Babawasan ni US President Donald Trump ng 35,000 ang miyembro ng US Military Troops na kasalukuyang nagbabantay sa teritoryo ng Germany.
Paliwanag ni Trump, hindi na kasi kakailanganin ng Germany na gumastos ng malaki para lamang depensahan ang kanilang teritoryo.
Aniya, naging pabaya rin umano ang Germany sa pagbabayad sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) na isang intergovernmental military alliance ng North American at European countries.
Samantala, magugunitang una nang nagpahayag ng reklamo ang republican president dahil sa di umano’y hindi pantay na pagbabayad ng Germany sa tropang militar ng Amerika.