Isang Tropical Depression ang binabantayan ng Pagasa sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng Pagasa, posibleng pumasok sa bansa ang sama ng panahon sa weekend, kung saan tatawaging “Tisoy” sakaling tuluyan itong maging bagyo.
Ngayong araw ng Martes, Nobyembre 26, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang tail-end of a cold front sa Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas.
Dahil naman sa Northeast Monsoon o amihan, maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang inaasahan sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang maalinsangang panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.