Ipinatutupad na ng lokal na pamahalaan ng Arayat Pampanga ang travel restriction para sa mga residenteng magmumula sa lungsod ng Quezon.
Ito ay matapos na mabatid na residente ng kamuning sa Quezon City ang kauna-unahang kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Arayat Mayor Emmanuel Alejandrino, ang kanilang paghihipgpit na ito ay bilang pag-iingat lamang sa banta ng bagong variant ng COVID-19, at upang mapigilan na rin ang pagkalat nito.
Gayunman, sinabi ni Alejandrino na papayagan naman nilang dumaan o pumasok sa kanilang lugar ang mga byahe o sasakyang galing sa Metro Manila basta’t hindi sila magbababa ng sakay sa kanilang lugar.
Sa ngayon, nilinaw naman na kailangang mag-prisinta ng negative test result ng COVID-19 ang mga residente ng arayat na nagtatrabaho sa Quezon City.