Kailangan pang dagdagan ang mga radio-frequency identification (RFID) installation booths, upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, dapat na kasing solusyunan ang mabagal na daloy ng trapiko na idinudulot nang pag-papakabit ng RFID sa mga sasakyan, dahil sa haba at dami ng mga nais magpalagay ng RFID stickers.
Sinabi ni Gatchalian, batid niya ang kahalagahan ng cashless toll collection system sa bansa, ngunit hindi naman aniya tama na maipit sa mabigat na daloy ng trapiko ang mga motorista at masayang lamang ang kanilang oras.
Dagdag pa ng senador, maituturing din kasing economic loss ang mga nasayang na oras, at abalang idinulot ng pagpapakabit ng RFID stickers sa mga motorista.