Inaasahang tetestigo ngayon ang apat (4) hanggang limang (5) indibidwal sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y korapsyon sa Bureau of Corrections (BuCor) kabilang na ang kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, napadalhan na nila ng subpoena ang mga bagong testigo para dumalo sa pagdinig ng senado sa naturang isyu ngayong araw.
Aniya, ang mga nasabing testigo ay dating preso, at dating opisyal ng BuCor.
Dagdag pa ng Senate President, inaasahang isisiwalat ng mga testigo ang mga iregularidad sa BuCor.