Malabo pang maging business as usual ang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ito ay dahil pa rin sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan posible aniyang magbigay na lamang ng televised address para sa publiko ang Pangulo.
Aniya, iba na kasi ang panahon ngayon dahil nasa gitna ng pandemic ang buong mundo.
Sinabi pa ni Zubiri, kung hindi man televised address ay posibleng tanging mga mambabatas lamang ang dumalo sa SONA ng Pangulo upang masunod pa rin ang social distancing.
Paliwanag ni Zubiri, posible kasing nakataas pa rin ang general community quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang sa darating na Hulyo.