Dapat na maging kuntento ang lahat ngayong ipinagdiriwang ang kapaskuhan.
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ngayong araw ng Pasko.
Sa isang video message, sinabi ni Tagle na talagang maganda at masayang tradisyon na ng mga Pilipino ang pagbibigay ng regalo, ngunit hindi aniya ito dapat na maging obligasyon.
Sigurado aniya na marami pa ring abala sa pag-iisip sa kung anong regalo ang kanilang ibibigay ngunit hindi dapat na maging sukatan ng tunay na diwa ng pasko ang mga regalong natatanggap.
Ayon kay Cardinal Tagle, sapat na regalo na ang pagiging mabuting tao at ang pagmamalasakit sa kapwa tao.
Sa huli, pinaalalahanan ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na ang Panginoon pa rin ang pinakamagandang regalo na matatanggap ng bawat isa.
If you have nothing to give, an object to give, you still have Jesus and you have yourself. Embody the humility, the compassion, the joy of Jesus that is the most precious gift and people will appreciate that even after Chirstmas is gone, let Jesus be our gift. Merry Chirstmas to all of you,” ani Tagle.