Itinanggi ng Kamara ang pahayag ni senate President Francis “chiz” Escudero na hindi pa umano nito naaaprubahan ang panukalang batas na magtatakda ng mas mahabang termino para sa mga opisyal ng barangay at sangguniang kabataan.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Kamara, inaprubahan na ng mababang kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Lunes ang nasabing panukala at katunayan ay ipadadala na ito sa Senado.
Nakalulungkot anya na tila misinformed si Senador Escudero sa kaganapan sa Kamara.
Layunin ng Barangay Term bill na amyendahan ang local government code upang magtakda ng anim na taong fixed term para sa mga opisyal ng Barangay at SK, at isa sa mga pangunahing panukalang batas na binigyang-diin sa productivity report ng kamara kamakailan.
Binigyang-diin ni Abante na natapos na ng mababang kapulungan ang bahagi nito at sasalang na ang panukala sa deliberasyon ng Bicameral Conference Committee.




