Handang mag-resign si South Korean President Park Geun-Hye kung maglalatag ng plano ang parliyamento para sa maayos na transfer of power.
Ito ang inihayag ni Park isang araw matapos ang malaking kilos protesta na nananawagan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.
Bunsod pa rin ito ng mga alegasyon ng korapsyon makaraang aminin na pinahintulutan ng Pangulo ang malapit na kaibigang negosyante na si Choi Soon-Sil na manghimasok sa gobyerno kahit wala naman itong posisyon.
Pinaplantsa na rin ng opposition parties ang impeachment laban kay Park subalit patuloy ang panawagan na magbitiw na lamang sa halip na patalsikin.
By Drew Nacino