Itinuturo ng Department of Agriculture (DA) ang mga smuggled na karneng baboy mula sa China bilang sanhi sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang illegal shipment ng karneng baboy na nakumpiska sa Port of Manila noong Oktubre ay malinaw na indikasyon na galing sa China ang virus.
Aniya, dalawang magka-hiwalay na shipment ng smuggled pork at pork products na idineklarang tomato paste at vermicelli ang nakumpiska nito lamang Oktubre—na parehong nagpositibo sa ASF.
Dagdag pa ni Dar, posibleng ang mga produktong kontaminado ng ASF ay nadala sa Rodriguez, Rizal at ipinakain naman ng local hog raisers sa kanilang mga alagang baboy.
Matatandaang, unang itinuro ng pamahalaan ang hotel food waste mula sa mga paliparan bilang sanhi ng pagkalat ng ASF sa Pilipinas.