Kinumpiska ang mga pork products sa ilang mga pantalan at paliparan sa Negros Oriental dahil sa kampanya kontra African Swine Fever (ASF) sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kabilang sa nasabat ay ang limang kilong karne ng baboy sa Tangil Seaport sa Guihulngan City.
Naharang rin ang nasa 100 piraso ng siopao sa Dumaguete-Sibulan airport.
Habang nakumpiska rin nakaraang Huwebes ang isang ice box na naglalaman ng siomai at lumpia na galing ng Maynila.
Nananawagan ngayon ang quarantine officer ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa publiko na iwasan ang pagdadala ng mga pork products na galing sa Maynila o alinmang bahagi ng Luzon ng walang kaukulang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).