Patuloy na nananawagan ang simbahang katolika sa publiko na huwag maglaro ng nauusong Pokemon Go sa mga simbahan.
Ayon kay Malaybalay, Bukidnon Bishop Jose Cabantan, ang simbahan ay lugar ng pagdarasal at hindi isang palaruan.
Iginiit ng Obispo na dapat iwasan ang paglalaro ng Pokemon Go sa simbahan upang hindi aniya masira ang pokus sa pagdarasal.
Una rito, isang resolusyon naman ang inihain nuon ni Quezon City Councilor Allan Francisco na nagbabawal sa paglalaro ng pokemon go sa cityhall, paaralan at ilangmga opisina ng pamahalaan sa lungsod.
By: Ralph Obina