Todo-paalala ang Simbahang Katolika sa mga deboto na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.
Ito ang panawagan ngayon ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo dahil papalapit na ang simbang gabi na dinadagsa ng napakaraming deboto sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Simbahan ng Quiapo dapat na magkaroon ng pag-balanse sa pananampalataya at kaligtasan ng publiko.
Sinabi ni Badong, dapat na magkaroon ng disiplina ang bawat isa, at tiyaking hindi malalagay sa alanganin ang kapakanan ng ibang tao.
Una rito, umapela si Manila City Mayor Isko Moreno sa Simbahang Katolika na limitahan lamang ang bilang ng mga mananampalataya para sa simbang gabi dahil sa banta ng COVID-19.