Nilinaw ng Malakanyang na maaaring lumabas ang mga senior citizens ng anomang oras para pumunta sa mga malls at groceries upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.
Ang paglilinaw ay kasunod ng paggiit ni National Commission Of Senior Citizens Chairman Atty. Franklin Quijano na dapat umano payagan ang mga senior citizens na magtungo sa mga malls at groceries ng 9 hanggang 11 ng umaga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi na kailangang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang naturang apela gayung hindi naman talaga pinagbabawalan ang mga senior citizens na lumabas.
Una rito matatandaang sinabi ni Quijano na maraming senior citizens ang nagrereklamo dahil hindi sila pinapapasok sa mga groceries at malls.