Lubhang naka-apekto ang Bagyong Rolly sa sektor ng kalusugan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito mismo ayon kay Health Sec. Francisco Duque III dahil sa mga pag-baha at pagragasa ng lahar na nakaapekto sa ilang mga ospital.
Dahil dito, sinabi ni Duque na labis na naapektuhan ang linya ng komunikasyon, suplay ng tubig at kuryente partikular na ang Region 5.
Kaugnay nito, sinabi ni Duque na posible ring magkaroon ng tinatawag na cold-chain management na problema sa bakuna, COVID-19 test kits, at specimens kung magtatagal ang kawalan ng suplay ng kuryente sa ilang mga lugar.