Mas lalo pang hihigpitan ng pamahalaan ang seguridad sa Mindanao dahil sa banta ng terorismo.
Ito ay kasunod ng naganap na suicide bombing sa Indanan, Sulu noong linggo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mas paigtingin ang seguridad at intelligence gathering.
Aniya, nakababahala na ang mga ulat na mayroon pa ring mga suicide bomber ang patuloy na hinahanap ng mga otoridad.
Kaugnay nito, umaasa rin naman si Panelo na bukod sa mahigpit na seguridad ay dadagdagan pa ng AFP at PNP ang kanilang devices para makontra ang banta ng terorismo.
Una rito, sinabi ng AFP Western Mindanao Command (WESMINCOM) na posibleng isang dayuhan na babae ang suicide bomber sa Indanan, Sulu.