Pinagko-komento na ng Korte Suprema ang Malacañang at Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa suspensiyon sa visiting forces agreement (VFA) termination.
Ito ay kaugnay ng petisyon ng Senado hinggil sa unang hakbang ng pamahalaan na ipawalang-bisa ang nabanggit na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon mismo sa isang source ng DWIZ, mayroon lamang 10 araw ang sangay ng ehekutibo at DFA para magkomento sa isinumiteng petisyon ng Senado.
Nakasaad sa isinumiteng petisyon ng Senado na dapat klaruhin ng pamahalaan ang tungkulin o papel ng Senado sa pagkalas ng bansa sa naturang tratado, dahil dapat anila itong dumaan sa pag-apruba ng Senado.
Matatandaang Pebrero 11 nang pormal na ipadala ng Pilipinas ang termination notice sa Amerika para sa pagpapawalang bisa sa naturang kasunduan. —ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)