Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Sarangani kaninang alas 12:39 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 26 kilometro sa timog silangan ng Kiamba,
May lalim namang tatlong kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Kiamba, Sarangani, Tupi at South Cotabato.
Gayunman, hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.