Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may sapat na cold storage facilities ang bansa para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay sa pamamagitan na rin ng tulong ng mga pribadong sektor.
Sinabi ni Vergeire, handa kasing tumulong sa pamahalaan ang Zeulig at Unilab habang mayroon namang sariling storage facilities ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Una rito, sinabi ni Health secretary na kakailangan ng bansa ang tulong ng mga third party logistics para sa pag-iimbakan ng mga darating na suplay ng bakuna sa bansa.