Isinisisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa law of supply and demand kung bakit delay ang pagdating ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Sa naging ulat sa bayan ng Pangulo kagabi, ipinaliwanag ng Pangulo na inuuna kasi ng mga manufacturers bigyan ng bakuna ang mga ‘highest bidder’.
Bakit natagalan? Alam mo, ang medisina ngayon, pinaka-[in] demand so there is always the economics. Ang tawag, supply and demand… Highest bidder ‘yan. So ‘yung may pera, mauuna talaga mabigyan. Pera pera talaga itong buhay na to e,”ani ng Pangulo.