Kinapos ang suplay ng COVID-19 vaccine sa San Lazaro hospital dahil sa dami ng nais na magpabakuna.
Ayon kay San Lazaro Hospital (SLH) Spokesman Ferdinand De Guzman, umabot sa 150 ang bilang ng kanilang mga staff na nagpabakuna gayong nasa 300 doses lamang ng coronavac ang inilaan para sa kanila.
Dahil dito, humirit pa aniya ang SLH ng karagdagang suplay ng bakuna dahil marami pa sa kanilang mga personnel ang nais na mabakunahan kontra COVID-19.
Matatandaang sa San Lazaro hospital na admit ang unang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.