Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang cockfighting o pagsasabong sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, matibay ang posisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ipinagbabawal pa rin ang mga sabong.
Batay anya sa naging pagpupulong ng IATF ay ikinukunsidera ang pagpayag sa sabong sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (GCQ), ngunit kailangang walang manonood o audience.
Sa ngayon, pinayuhan naman ni Roque ang mga nagpapanukala para sa online sabong na sumulat sa IATF.
Matatandaang una nang inatasan ng DILG ang mga LGU’s na i-monitor ang mga cockpit arenas sa kanilang mga nasasakupang lugar upang matiyak na walang lumalabag sa naturang kautusan.