Nanindigan si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na pagmamay-ari ng Pilipinas ang Sabah.
Ayon kay Locsin, sa ngayon ay mayroong mga political movements sa Sabah, ngunit dapat na igiit ng pamahalaan na pagmamay-ari ito ng Pilipinas, at nais itong angkinin ng mga gobyerno.
Sinabi ni Locsin, naisantabi kasi sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang isyu sa Sabah kaya’t binibigyang diin na nya ngayon ang kaniyang posisyon sa naturang isyu.
Una nang binatikos ng Malaysian Foreign Ministry ang pag-angkin ni Locsin sa Sabah, kung saan tinawag nilang iresponsable ang naging pahayag ng kalihim.
Ang Sabah ay matatagpuan sa isla ng Borneo sa Timog na bahagi ng Mindanao na matagal nang pinag-aagawan ng Pilipinas at Malaysia.
Matatandaang iginiit kasi noon ng Sultan ng Sulu na pinamumunuan ng isang Pilipinong Sultan ang Sabah sa loob ng mahabang panahon.
Gayunman, 1963 naman nang paboran ng United Nations (UN) ang Sabah bilang opisyal na teritoryo ng Malaysia.