Ipinagutos na ni Pang. Rodrigo Duterte ang pagdadag-dag ng mga ruta ng bus upang maibsan ang balakid ng mga mananakay dahil sa mga limitadong pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagbigay na ng direktiba ang Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) upang dagdagan pa ang ruta ng mga bus, simula Bukas, Hunyo 5.
Dahil dito, simula bukas, kabilang na ang mga sumusunod na ruta sa mga papayagang bumiyahe:
- Route 1: Monumento hanggang Balagtas, Bulacan
- Route 17: EDSA hanggang Montalban, Rizal
- Route: NAIA
habang simula naman sa Lunes, Hunyo 8 ay ilulunsad
Naman ang mga sumusnid na ruta sa mga biyahe ng bus:
- Route 3- Monumento hanggang BGC
- Route 11: Gilmore hanggang Taytay
- Route 21: Monumento hanggang San Jose Del Monte
Matatandaang sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ni-limitahan muna ng dotr ang ruta ng mga bumibiyaheng bus kung saan nagtalaga rin naman ng designated na babaan at sakayan para matiyak na maayos na naipatutupad ang mga health protocols.