Hindi napigilan ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque ang maglabas ng sama ng loob, matapos mabatikos sa social media dahil sa hindi nasunod na social distancing protocols sa dinaluhan niyang event sa Cebu.
Ayon kay Roque, hindi niya maintindihan kung bakit mistulang tinatarget siya ng kritisismo nang dahil lamang sa hindi nasunod na social distancing protocols matapos na kumalat ang mga larawan sa social media kung saan makikita na diki-dikit ang mga residente sa dinaluhan nitong mass gathering.
Sinabi ni Roque, mayroon din namang mga kumalat na larawan kung saan kitang-kita si Vice President Leni Robredo na nakikipag-kamay sa publiko na aniya’y isang paglabag sa quarantine protocols.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Roque na hindi rin niya naman mapipigilan kung nais siyang makita ng mga residente sa dinaluhan niyang event.
Gayunman, tiniyak naman ni Roque na agad naman nilang pinaalalahanan ang publiko hinggil sa panganib ng COVID-19 noong nabatid nilang hindi na nasusunod ang minimum standard health protocols.
Ang kinakasama ng loob ko bakit ako pinupuruhan palagi ?Bakit noong nakikita niyo sa screen si VP Leni nakikipag hand shake, hand shake ‘di ba violation ng restriction? Kita niyo patas sana,on record ako sinabi ko sa kanila kung ‘di kayo sumusunod sa pakikibaka, ang ginawa ko na nga lang sinabi ko sa Mayor let’s end this program, and true enough less than an hour natapos na, ang sa akin lang let us be fair …siguro po ‘di ko narealize na ang tao lalabas para makita ako, siguro po ‘di na ako lalabas kapag may mga crowd as much as possible pero malayo kasi sa isip ko ‘yon e, ″ pahayag ni Roque