Opisyal nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang itigil ang pag-aangkat ng bigas ng bansa.
Sa pressconference sa Malacañang, iniutos ng pangulo kay Agriculture Secretary William Dar na ihinto muna ang rice importation dahil panahon ng ani.
Ayon sa pangulo, kaniyang hihilingin kay Dar at sa Kongreso na maglaan ng sapat na pondo para mabili ang lahat ng palay ng mga lokal na magsasaka nang sa ganoon ay kumita naman ang mga ito sa kanilang pinagpaguran.
Wala namang ibinigay na tiyak na panahon si Pangulong Duterte kung kailan magsisimula at magtatapos ang nasabing suspensyon sa pag-aangkat.
Una rito, lubos na dumadaing na ang mga magsasaka sakanilang pagkalugi bunsod ng umiiral na Rice Tarrification Law.