Pormal nang inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang resolusyon na nagpapataw ng partial travel ban sa South Korea.
Sakop ng naturang ban ang mga biyahero na tutungo ng North Gyeongsang Province, partikular na sa Cheongdo at Daegu City.
Nilinaw naman na hindi sakop ng ban ang Pilipinong may anak at asawang permanenteng residente sa South Korea.
Bukod dito, maaari namang makauwi ng Pilipinas ang mga Pinoy mula South Korea ngunit isasailalim ito sa mandatory 14-day quarantine period.
Gayunman, sinabi naman ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na kanila na lamang inaantabayanan ang kopya ng resolusyon upang ganap na maipatupad ang travel ban sa South Korea.