Handa na ang reserved force ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling ipatawag para sa isang giyera o laban.
Tiniyak ito ni AFP PIO Chief Col. Noel Detoyato bilang tugon sa naging pahayag ni Vice President Jejomar Binay na dapat ihanda ang mga sundalong kasama na ang reservists lalo pa at nagpaparamdam aniya ng puwersang militar ng China kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Detoyato na iiwasan din nilang uminit muli ang tensyon sa lugar na maaaring humantong sa giyera.
Kabilang sa mga itinuturing na reserved command ang ROTC graduates, mga retiradong sundalo, sibilyan o sinumang Pilipinong may sapat na pagsasanay para mapabilang sa reserve force ng AFP.
By Judith Larino