Handa ang Pilipinas na panatilihin ang magandang relasyon nito sa Estados Unidos sinuman ang maupong presidente ng Amerika.
Ito ang pagtitiyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng gitgitang laban nina incumbent U.S. President Donald Trump at dating Vice President Joe Biden sa pagka-pangulo ng Estados Unidos.
Ayon kay Roque, anuman ang maging resulta ng halalan ay kayang-kaya ng pamahalaan na maka-trabaho sinuman ang ma-prokalamang pangulo, sa pagitan nina Trump at Biden.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na hinihintay na lamang nila ang opisyal na resulta ng U.S. Presidential elections.
Ang Amerika ay isa sa major trading partners ng Pilipinas, at Mutual Defense Treaty ally.