Nakatakdang magsumite ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa enhanced community quarantine (ECQ) sa ika-25 ng Abril.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año, ang kanilang magiging desisyon ay nakabatay sa magiging pagpupulong ng IATF sa mga epidemiologist, scientists, mathematicians, at iba pang propesyonal ngayong araw.
Gayunman, nilinaw naman ni Año na ang pangulo pa rin ang huling magdedesisyon kung dapat pa bang alisin, baguhin o palawigin pa ang umiiral na ECQ.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na hindi ipaptuupad sa buong bansa ang naging banta ni Pangulong Duterte na mala-martial law na quarantine, dahil maaari lang itong gawin sa mga lugar na pinaka-apektado ng COVID-19.