Maari nang tugisin ng Philippine National Police ang mga bilanggong napalaya sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.
Batay sa datos ng Department of Justice (DOJ), aabot sa 19 na heinous crime convicts ang hindi pa rin sumusuko sa mga otoridad.
Katuwang ng DOJ ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pagsuri ng mahigit 2,000 inmates na nakalaya dahil sa GCTA law.
Matatandaang pansamantalang ipinatigil ng DOJ ang pag-aresto sa mga bilanggong napalaya sa ilalim ng GCTA law matapos sumobra ang mga sumukong bilanggo sa bilang ng napalaya sa ilalim ng naturang batas.