Nakatakdang magharap ang mga tennis star na sina Novak Djokovic at Rafael Nadal sa aarangkada ng US open.
Sa kabila ito ng mga injury ng parehong beteranong manlalaro.
Matatandaang nagka-wrist injury si Djokovic noong bisperas ng RIO Olympics kaya aminado itong hindi maibibigay ang syento-por-syentong performance sa US Open.
Samantala, mayroon ding problema sa kaliwang pulso si Nadal kaya napilitan itong mag-withdraw sa French open.
Gayunpaman, nagawa pa ring makasungkit ni Nadal ng medalyang ginto sa Men’s doubles sa katatapos lang na Olympics.
Dahil sa mga nasabing injury nina Djokovic at Nadal, inaasahang si Andy Murry ang mangunguna sa US Open.
By: Avee Devierte