Kailangang-kailangan na ng massive tree planting sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, ito ay dahil labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo ang kanilang lugar, partikular na ang sektor ng agrikultura.
Sinabi ni Suarez, labis kasing apektado ang kanilang lalawigan tuwing may bagyo at aabutin pa ng ilang buwan bago maibalik ang mga nasirang pananim.
Matatandaang isinailalim ang buong Luzon sa state of calamity dahil sa pinsalang idinulot ng mga nagdaang bagyo.