Nakipagpulong na si President Elect Joe Biden sa United Nations (UN) upang mas patatagin pa ang kanilang ugnayan para labanan ang COVID-19 pandemic at ang climate change.
Sa isang pahayag, tiniyak ni Biden na mas tutukan niya ang mga suliraning kinahaharap hindi lamang ng Estados Unidos kundi maging ng buong mundo.
Dahil dito, mas pagtitibayin pa aniya niya ang pakikipag-ugnayan sa United Nations upang mas mapalakas pa ang kanilang mga programa para tutukan ang suliraning kinahaharap ng Amerika partikular na ang COVID-19 pandemic.
Sinabi pa ni Biden, napag-usapan na rin aniya nila ni UN Sec-Gen Antonio Gutteres na tutukan rin ang isyu kagaya ng pagsulong sa sustainable development, pagpapalakas sa seguridad at pagtataguyod ng human rights.