Mahigpit na ipagbabawal ng pamahalaang lungsod ng Zamboanga ang pagpasok ng mga pulitiko sa tinaguriang internally displaced persons o ang mga pamilyang inilakas kasunod ng madugong Zamboanga siege.
Ayon kay Zamboanga city Mayor Maria Isabelle Climaco – Salazar, layon nitong ilayo ang kaniyang mga nasasakupan mula sa aniya’y mapagasamantalang mga pulitiko.
Bagama’t hindi kinilala ni Salazar, magugunitang bumisita kamakailan sa Zamboanga city si Senador Grace Poe kung saan, dumiretso ito sa mga evacuees.
Bukod sa mga pulitko, bawal ding pumasok sa Zamboanga city ang mga non government organizations o NGOs na posibleng gamitin ang sitwasyon para magkapera.
Sinabi ni Salazar na hindi niya hahayaang pagsamantalahan ang kalagayan ng mga kababayang biktima ng gulo para sa pansariling interes ng iilan.
By: Jaymark Dagala