Muling pinaalalahanan ng mga eksperto ang publiko sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Prof. Guido David ng U.P. OCTA Research, napaka importante pa rin nang pagsunod sa standard health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shield at social distancing para hindi mahawa ng COVID-19.
Aniya, nakaaalarma na kasi ang tumataas na kaso ng COVID-19 partikular na sa metro manila kung saan tumaas aniya ng labing limang porsyento ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, kumpara noong nakaraang linggo.
Una rito, nagbabala ang Palasyo ng Malacañang laban sa mga may-ari ng tiangge matapos na mapaulat ang pagdagsa ng mga mamimili sa Divisoria at Baclaran.