Mas mahal pa sa presyo ng karneng baboy ang presyo ng sili sa ilang mga pamilihan sa bansa.
Ito ay matapos na tumaas ng 5 beses ang presyo ng kada kilo ng sili na umabot na ng P500 hanggang P600 kada kilo.
Sa Marikina public market, umakyat na sa P550 kada kilo ang presyo ng siling labuyo at aabot naman sa P600 ang presyo ng kada kilo ng siling haba o pang-sigang.
Ayon sa vendors sa Marikina public market, hindi kasi sapat ang suplay ng mga gulay kaya’t tumaas ang presyo ng mga ito.
Tumaas din naman ang presyo ng ilan pang gulay, kung saan sumampa na P180 ang kada kilo ng ampalaya, mula sa dating P80, dumoble naman ang presyo ng repolyo at pechay na nasa P120 na ang kada kilo mula sa dating P60 kada kilo.