Inihihirit ngayon ng ilang manufacturer ng canned meat products ang 2% hanggang 5% taas presyo sa kanilang mga produkto.
Ito ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez kung saan kasalukuyan nang pinag-aaralan ng DTI ang hirit ng mga manufacters.
Paliwanag pa ni Lopez, hinihiling ang mas mataas na Suggested Retails Price (SRP) dahil patuloy na tumataas ang presyo ng tin, raw material inputs at ang presyo ng produktong petrolyo.
Dahil dito, sinabi naman ni Lopez na posibleng payagan niya ang price increase kung mapapatunayan ng mga canned meat manufacturers na tumaas ang kanilang production cost.