Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ngayong linggo.
Ito ay dahil sa isasagawang maintenance works ng Meralco.
Batay sa abiso ng Meralco, magsasagawa sila ng maintenance works simula ngayong araw ng Lunes hanggang sa Huwebes, ika-16 ng Hulyo.
Kabilang sa mga inaasahang maaapektuhan ngayong araw ng Lunes ang lungsod ng Quezon City.
Habang sa ika-14 ng Hulyo naman maaapektuhan ng pansamantalang kawalan ng kuryente sa Batangas City at Sto. Tomas sa Batangas Province; Novaliches, Quezon City at Antipolo City.
Ika-14 hanggang ika-15 ng Hulyo naman sa Barangay Milagrosa, Calamba City Laguna.
Gayundin, sa ika-15 ng Hulyo sa San Jose Del Monte City sa Bulacan; Barangay Forbes Park, Makati City at sa ika-15 hanggang ika-16 ng Hulyo ay sa mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz, sa Laguna, gayundin ang Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste ng kuryente sa Del Monte Avenue sa Barangay Paltok; Makati City, na may nakakasang line reconstruction works sa Don Chino Roces Ave. sa Barangays Olympia at Tejeros.
Mararanasan naman ang power interruption sa Biñan City, Laguna at Barangay Tumana sa Marikina City sa ika-16 ng Hulyo.
Dahil dito, humihingi ang Meralco ng paumanhin at pang-unawa sa mga customer na maaapektuhan sa kanilang isasagawang pagkukumpuni na layong mapaghusay pa ang kanilang serbisyo.