Posibleng hindi makamit ng Pilipinas ang inisyal na target na poverty rate sa bansa.
Ito ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Dir. Gen. Karl Kendrick Chua kung saan sinabi nito na target sana nilang pababain ng 14% ang poverty incidence sa Pilipinas pagsapit ng taong 2021, mula sa dating 16.7%.
Sinabi ni Chua, noon kasi ay kumpiyansa ang NEDA na makamit ang 14% na poverty rate ngunit naapektuhan ito ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa nito posibleng maglaro sa 15.5% hanggang 17.5% ang poverty incidence rate sa bansa na sinusukat kada tatlong taon.