Taos pusong sumasaludo ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa mga nagsisilbing frontliners sa giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang naging mensahe ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa matapos niyang pangunahan ang pagdiriwang ng ika isandaan at dalawampu’t dalawang taong araw g kalayaan sa kampo krame, ngayong araw.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Gamboa na marapat ding bigyan ng taos pusong pagkilala at pagpupugaya ang mga sakripiso at pagbubuwis ng buhay ng mga pulis, at iba pang mga front liner matiyak lamang na ligtas sa panganib ng virus ang mga Filipino.
Umaasa rin si gamboa na dahil sa pagtutulungan at pakiki-isa ng lahat ay mapagtatagumpayan din ng laban kontra COVID-19.
Samantala, sa naganap na pagtataas ng watawat kaninang umaga, pinaalalahanan ng PNP chief ang mga Filipino na isapuso ang tunay na diwa ng kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaisa. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)