Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang 22 ‘ninja cops’.
Ito ayon mismo kay PNP Chief General Oscar Albayalde kung saan tiniyak nito na mahigpit na nilang binabantayan ang mga pulis na sangkot sa drug recycling.
Aniya, kabilang sa mga ito ang tatlong (3) pulis na may ranggong Police Lieutenant hanggang General at 19 na may ranggong mula Patrol hanggang Police Executive Master Sergeant.
Nais din nilang matiyak kung ang nasabing ‘ninja cops’ ay sangkot din sa ipa pang ilegal na aktibidad.
Matatandaang, isiniwalat mismo ni PDEA Dir. General Aaron Aquino na sangkot ang ilang pulis at tauhan ng PDEA sa drug recycling.