Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) upang mapawalang bisa ang Asylum status ni CPP-NPA founding chairman Joma Sison sa Netherlands.
Ito ang binigyang diin ni PNP Chief Oscar Albayalde kaugnay ng inilabas na warrant of arrest ng Korte laban kay Sison kaugnay ng Inopacan massacre.
Ayon kay Albayalde, bilang na ang mga masasayang araw ni Sison dahil patuloy anya ang pagkilos ng mga otoridad sa International Police Organization (INTERPOL) upang maaresto na si Sison.
Dagdag pa ni Albayalde, maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kumikilos na rin upang mapawalang bisa ang Asylum status ni Sison.
Una rito, nanindigan naman si Sison na hindi siya babalik sa pilipinas habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang namumuno sa bansa.