Hindi maaaring pumasok basta-basta ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa mga private premises lalo na kung walang pahintulot mula sa korte.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kaugnay sa naging reklamo ng isang private condominium sa Taguig laban sa mga pulis na nanigaw, nanakot gamit ang mga baril, at nagbanta sa mga residente na nasa pool area na silay aarestuhin kapag hindi magsibalik sa kani-kanilang mga units.
Ayon kay Roque, hindi maaaring pumasok sa private property ang mga pulis kung walang nangyayaring krimen, hindi inimbita o walang search warrant.
Aniya, malinaw naman na nakasaad sa saligang batas na karapatan ng mga ito na maging ligtas sa kanilang mga tahanan at hindi ito maaaring malabag.
Samantala, tiniyak naman ni Roque na iimbestigahan ng mga otoridad ang naturang trespassing incident.