Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng corps of police psychologist upang mabigyan ng mental health attention ang mga pulis na nakatalaga sa mga frontline duties.
Ipinag-utos na ni PNP Chief General Archie Gamboa kay Police Lt. Gen. Camilo Cascolan ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force ang pag oorganisa ng mga grupo ng mga police psychologist.
Ayon kay Gamboa, hindi lamang lantad ang mga pulis sa banta ng COVID-19 kun’di maging sa anxiety at stress dulot ng pandemya na maaaring magresulta ng seryosong mental health condition sa hanay ng PNP.
Samantala, nag-anunsyo naman ang PNP Health Service na muling magkakaroon ng annual physical examination (APE) sa mga PNP personnel sa susunod na buwan.
Inaabisuhan naman ang mga pulis na isasailalim sa APE na isuot ang kanilang kumpletong uniporme at sumunod sa physical distancing at minimun health standars sa pagrereport sa PNP Health Service.