Inaasahang makakaapekto parin sa ekonomiya ng bansa sa susunod na taon ang pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo maging ang African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Governor Benjamin Diokno ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dapat nang mapigilan ang pinsalang dulot ng ASF sa meat industry ng bansa.
Paliwanag ni Diokno, ang pagbagsak ng bentahan ng karne ng baboy ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng presyo ng iba pang meat products na siyang makakaapekto naman sa inflation.
Samantala, nilinaw rin ni Diokno na hindi lamang Pilipinas ang apektado sa pagtataas ng presyo ng petrolyo kundi ang buong mundo.
Gayunman, target naman ng pamahalaan ang tatlong porsyentong inflation rate para sa taong 2020.