Hinirang ang Pilipinas bilang pangalawa sa mga itinuturing na “instagrammable places” sa buong mundo ngayong 2021.
Ito ay batay sa travel website na Big Seven Travel kung saan inilarawan nito ang Pilipinas na tahanan ng mga likas na yaman, may magarbo’t mayamang kultura at kasaysayan na binubuo rin ng higit 7,000 mga isla.
Nangunguna naman sa listahan ang Japan, pangatlo ang France na sinundan naman ng New York City, Istanbul at Turkey.
Labis namang ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) ang pagkakabilang ng Pilipinas sa nasabing report.
LOOK: PH is 2nd Most Instagrammable Place in the World
The Department of Tourism (DOT) celebrates the inclusion of the…
Posted by Department of Tourism – Philippines on Friday, 15 January 2021