Posibleng naka-quarantine pa ang Pilipinas hanggang katapusan ng taong 2021 ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
Ayon kay acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, posibleng manatili sa modified general community quarantine (MGCQ) o mas maluwag pang community quarantine ang bansa sa buong taon ng 2021.
Aniya, kailangan pa kasing magkaroon ng bakuna bago tuluyang makabalik ang bansa sa normal na pamumuhay.
Dagdag pa ni Chua, maaaring sa 2022 pa mababalik sa normal na pamumuhay ang bansa gayung sa susunod pa na taon tiyak na makakakuha ng bakuna kontra COVID-19.