Napabilang ang Pilipinas sa “list of shame” ng Geneva-based United Nations watch.
Ito ay matapos na bumoto ang kinatawan ng Pilipinas sa UN laban sa isang draft resolution sa UN general assembly na nagkokondena sa Iran dahil sa umano’y pang-aabuso ng pamahalaan nito sa karapatang pantao.
Tinatayang nasa kabuuang 32 mga bansa ang bumoto laban sa resolusyon na isinusulong ng UN’s 3rd committee, na nakapokus sa social, humanitarian at cultural issues.
Bukod sa Pilipinas, kabilang sa mga bumoto laban sa draft resolution ng UN ang North Korea, Russia, China, Pakistan, India at Iraq.
Habang 79 na bansa naman ang pumapabor sa resolusyon habang 64 naman ang hindi bumoto.
Ang naturang resolusyon ng UN ay naglalayong itaas ang alarma sa nangyayaring paglabag sa karapatang pantalo sa Iran.