Ang Pilipinas ang may pinakapangit na sitwasyon ng trapiko sa anim na mga bansa sa Southeast Asia, at pang siyam sa buong mundo batay sa report ng Numbeo.
Ang Numbeo ay isang crowd-sourced global database na nagbibigay ng kasalukuyang impormasyon hinggil sa kondisyon ng pamumuhay sa buong mundo.
Batay sa Numbeo’s 2020 traffic index na nagko-cover ng 81 bansa sa buong mundo, nakakuha ang Pilipinas ng 198.84 traffic index na ilang puntos lamang ang inilamang sa Colombia na ika-sampu sa naturang talaan na may iskor na 198.41 traffic index.
Ang Pilipinas naman ang nakapagtala ng pinakamataas na traffic index sa ASEAN kung saan ang Indonesia ay may iskor na (194.61), Thailand (170.60), Malaysia (169.14), Singapore (148.61) at Vietnam (111.12).
Sa kabuuan ang bansang Nigera ang pinakahuli o may pinakamalalang lagay ng trapiko sa buong mundo na may iskor na 308.03 traffic index na sinundan ng Sri Lanka, Kenya, Bangladesh at Egypt.